864

Oct 20, 2021 @ 17:18
By

Scottie, World Balance binoykot ng mga netizen

Trending topic sa Twitter Philippines ngayong Miyerkoles ang hashtag na #CancelScottieThompson.

Binira ng mga netizen ang pagiging endorser ng Barangay Ginebra cager sa Filipino sports footwear at apparel brand na World Balance.

Nanawagan silang iboykot si Thompson at ang World Balance.

Ito ay matapos maglabas ang World Balance ng banner na “More Good Less Evil”.

Kinuwestiyon ito ng mga netizen sa pagsasabing hindi ito bagay sa World Balance dahil isa sa kanilang endorser ang umano’y cheater na si Thompson.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang basketbolista sa pagpapakasal sa ibang babae sa kabila ng pag-propose niya sa walong taong karelasyon na si Pau Fajardo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?