402

Jul 21, 2021 @ 15:24
By

Scottie Thompson iniyabang na ang misis na si Jinky!

Kalat na online ang pagpi-flex ni Barangay Ginebra star Scottie Thompson sa kanyang misis na si Jinky Serrano.

Sa kanyang Instagram Story, nag-post si Thompson ng video kung saan makikita si Jinky habang naghihiwa ng steak at bini-videohan niya.

Nakasulat sa video ang pangalang jinky thompson at nilagyan ni Scottie ng delicious emoji.

Tinawag pa ni Scottie na “love” si Jinky para tumingin ito sa camera.

Ito ang unang pagkakataon na ibinida ni Thompson sa kanyang social media account ang kanyang misis mula nang lumabas ang kontrobersiya tungkol sa kanilang pagpapakasal.

Marami kasi ang nagulat na matapos mag-propose sa kanyang longtime girlfriend na si Pauline Fajardo ay ibang babae ang pinakasalan ni Thompson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?