176

Oct 5, 2018 @ 14:06

Scottie Thompson, iba pang PBA players magkakasabay na tumaya ng ultra lotto

Maging ang mga PBA players ay nagnanais ding masungkit ang P850-M jackpot ng ultra lotto na bobolahin ngayong gabi.

Ito ay matapos na mag-post ng video si Barangay Ginebra player Scottie Thompson hinggil sa pagtaya nito sa 6/58 lotto kasama sina Kevin Ferrer, Aljon Mariano at Prince Caperal.

Bukod sa tatlo ay umamin din ang ilang manlalaro na tumaya sa pinakamalaking jackpot prize ng lotto sa kasaysayan ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?