205
ABANTE scottie thompson rebounder pba
Jan 15, 2018 @ 18:33

Scottie Thompson humanay sa top rebounder ng PBA

Naihanay ni Barangay Ginebra’s Scottie Thompson ang sarili bilang best rebounding guard kay Robert Jaworski, na siyang top rebounder noon sa kanyang mga kasabayan sa Philippine Basketball Association.

Sa kanyang unang dalawang seasons sa pro league, nag-a-average ang dating Perpetual Help College-Rizal stalwart ng 6.7 boards habang si dating Ginebra playing-coach Jawo ay may record na 6.5 rebounds kada laro sa unang dalawang taon din niya bilang pro.

Kasama si Thompson sa top 10 rebounder ng liga katabla sa ika-9 siya Dough Kramer.

“I think yun lang ang best na maibiigay ko sa team ko, ‘yung hustle ko both on offense and defense. Overwhelmed ako sa sinasabi nila, pero sa akin, ginagawa ko lang ang trabaho ko,” ani Thompson sa PBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?