318

Dec 15, 2017 @ 16:01

Scottie Pippen: Mas lamang si LeBron kay Jordan sa stats

Mainit ang usapan ngayon hinggil sa pagkukumpara kina LeBron James at Michael Jordan matapos ang patuloy na paghahari ng Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference.

Sa kabila nito’y sinalag ni Hall of Famer Scottie Pippen, na running mate ni Jordan sa Chicago Bulls noon, hindi dapat kinukumpara sina James at Jordan, maging sina LeBron at Kobe Bryant.

Aniya, magkaiba naman ng posisyon na nilalaro ang mga players na nabanggit.

Sina Kobe at Jordan ay parehong guards at scorer na tulad ni Kyrie Irving na hanap ay makaiskor kapag nakakahawak ng bola, hindi gaya umano ni LeBron na ‘facilitator’ o naghahanap ng plays para sa mga kakampi at dominante sa court at magaling ding pumasa.

Mas nararapat pa umanong ikumpara si LeBron kay Magic Johnson at sa kanya, kung saan pareho sila ng role sa isang koponan pero mas malakas lang aniya si King James sa kanila.

Sa ESPN, walang malisya namang ipinahayag ni Pippen na hindi man umano maabot ni James ang natamo ni Jordan sa pagiging MVP, pero sa statistics ay lamang si King James kung makikita ang scoring, assists at rebounds nito.

“The numbers don’t lie. He’s right there. He probably will never catch him in terms of MVP, but in terms of statistics, LeBron is right there. And when you look across the board — not just scoring — check his assists, check his rebounds … he’s probably ahead of Jordan,” ani Pippen.

Ito’y sa kabila na partner in crime ni Pippen si Jordan na nakasama pa niya na mawalis ang 6-0 Finals record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?