6

Oct 17, 2020 @ 21:23
By

Scottie may iba pang misyon

IISA sa rason kung bakit kinakarir ni Barangay Ginebra star Scottie Thompson ang pagba-vlog ay upang matulungan ang kanyang mga kababayan lalo na ang mga gustong sumikat na basketbolista.

Inamin ng former Perpetual Help star na pinupursige nito ang kanyang YouTube channel para maging puhunan ng mga homegrown hoopers ang malilikom niyang pera.

Target kasi ng Davao Del Sur pride na si Scottie na gumawa ng charity para mapasaya ang kababaryo niyang gusto ring makatuntong ng Maynila kaya dibdiban siya sa kanyang channel.

Sa ngayon ay may kabuuang 127k subscribers na ang 27-anyos basketbolista at patuloy pang dumadami dahil sa kwela niyang mga vlog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?