1,282

Oct 11, 2021 @ 15:19
By

Scottie masaya na kay Jinky

Wapakels and nakamove on na sa mga past issue si Ginebra guard Scottie Thompson at masaya na ito sa piling ng asawang si Jinky Serrano.

Sa isang IG post ng basketbolista, sinamantala ni Thompson ang maagang pagkakatanggal ng Ginebra sa Philippine Cup para makasama sa bakasyon ang asawa.

Nitong nakaraang Hunyo na ikasal ang dalawa sa isang pribadong seremonya sa Las Piñas.

Si Serrano ay isang stewardess mula sa Pampanga at naging karelasyon ni Thompson matapos ang break-up sa kanyang fiancee na si Pau Fajardo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?