312

May 3, 2019 @ 15:22
By

Scooter battery kinumpiska ng airport: Lalaking putol ang paa, kamay, napilitang gumapang

Napilitan ang isang lalaki mula British Columbia na gumapang sa airport dahil kinuha ng security ang battery ng kanyang scooter na kanyang ginagamit para makapaglakad.

Si Stearn Hodge ay isang amputee, naputol ang kaliwang braso at kanang binti matapos maaksidente sa trabaho noong 1984, sinabi nito na pupunta sana sila sa Oklahoma para magbakasyon ngunit hindi pinayagan sa Calgary International Airport at United Airlines ang baterya ng kanyang scooter.

Nangyari ang insidente noong Pebrero pa nang 2017, ngunit hindi niya pa rin ito nakalimutan ayon sa panayam sa kanya sa Canadinan Broadcasting Corporation.

“Having to crawl across the floor in front of my wife is the most humiliating thing that I can think of. It unmasks how real my disability is… I haven’t been the same since,” saad ni Hodge.

Binigyan siya ng wheelchair ngunit hindi pa niya ito mapatakbo lalo’t putol ang kanyang isang kamay, samantalang ang asawa naman niyang kasama ay hindi kayang itulak ang wheelchair dahil kakagaling lang sa cancer treatment.

Ayon kay Hodge, hindi pinansin ng airport security ang kanyang mga papeles para payagan ang scooter battery at inireklamo na ito sa Canadian Human Rights Commission.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?