45

Sep 13, 2021 @ 16:17
By

Science High School nabiyayaan ng computer lab equipment

Pinangunahan ni Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar ang ceremonial turnover ng computer laboratory equipment sa bagong ayos na ICT room ng Las Piñas City Science High School.

Katuwang ni Villar sa pagsasaayos ng tatlong laboratory room at donasyong laptop, projector, DSLR camera, office chairs at air conditioning units ang AllHome at mga supplier nito.

“AllHome fully supports public schools in implementing new learning strategies during this pandemic,” sabi ni Villar na vice-chair ng AllHome.

Nagpasalamat naman si Principal Leonora Lustre, ng LPCNSHS, sa tulong na natanggap ng paaralan.

“The pandemic continues to change the way we teach and the way our students learn. We truly appreciate the efforts of AllHome and their partners in helping us fulfil our mandate to deliver quality education to our youth amid this very challenging time,” sabi ni Lustre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?