78

By

Schwarzenegger sumagot sa sinabi ni Trump na patay na siya

Nagpapatuloy ang iringan nina Arnold Schwarzenegger at US President Donald Trump.

Sa pagsasalita ni Trump sa social media summit sa White House noong Huwebes, dineklara niyang patay na ang aktor at dating California governor na si Schwarzenegger.

“Arnold Schwarzenegger … You know what? He died … I was there,” sabi ni Trump sa Yahoo News White House correspondent na si Hunter Walker.

Nakita ni Schwarzenegger ang tweet nito at binanatan si Trump: “I’m still here. Want to compare tax returns, @realDonaldTrump ?”

Nagsimula ang hidwaan nila nang magbitiw bilang host ng Celebrity Apprentice si Schwarzenegger noong 2017 dahil kay Trump.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?