367
Schwarzenegger, nagpaluwal ng P50M vs COVID-19
Mar 27, 2020 @ 0:19
By

Schwarzenegger, nagpaluwal ng P50M vs COVID-19

Nag-donate ng tumataginting na $1 million o mahigit na P50 milyon si Hollywood star Arnold Schwarzenegger para sa mga frontliner na nakikipaglaban sa COVID-19 pandemic.

Ibinigay ni Schwarzenegger ang donasyon sa Frontline Responders Fund.

Hinikayat nito ang iba pa na mag-abot din ng tulong.

“I never believed in sitting on the couch and complaining about how bad things are, I always believed we should all do our part to make things better. This is a simple way to protect our real action heroes on the frontlines in our hospitals, and I’m proud to be part of it,” anang aktor sa Instagram post.

Sa buong mundo, umabot na sa 414,179 ang natamaan ng virus habang 18,440 na ang namatay habang sinusulat ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?