deped12
By

School opening sa Marawi City tuloy sa June – DepEd

Sharing is caring!

Tiniyak ng Department of Education na magbubukas ang mga klase sa Marawi City kasabay nang pagbubukas muli ng paaralan sa Hunyo.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones personal siyang magtutungo sa Marawi City bukas para personal na inspeksiyonin ang pagsasa ayos ng mga paaralan nawasak ng limang buwang digmaan.

Ito aniya ay para alamin ang kahandaan ng mga paaalan na muling magbukas at tumanggap ng mga estudyante.

Ngunit inamin ni Briones na sa 69 paaralan sa lungsod,20 pa ang hindi magbubukas dahil sa ibat ibang problema.

Sa Hunyo 4 sabay sabay na magsisimula ang mga klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?