62

Oct 12, 2017 @ 15:06

School for boys sa Marikina, nilooban

Ninakawan ang isang Catholic school for boys matapos madiskubreng nawawala na ang ilang computer laptops ng paaralan, noong Miyerkules ng umaga sa Marikina City.

Naganap ang pangyayari bandang 6:30 kamakalawa ng umaga sa loob ng Marist School sa Champagnat Avenue, Barangay Marikina Heights, Marikina City.

Inireport sa pulisya ang pangyayari makaraang makita ng guidance councilor na ayaw ipaalam ang pangalan na nakabukas na ang kanilang drawer na pinaglalagyan ng mga laptops.

Nadiskubreng nawawala Lennovo Notebook na nagkakahalaga ng P19K, Lennovo Laptop  P37K at dalawang (2) Acer Laptops na nagkakahalaga ng P50 thousand.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung sino ang nanloob sa nasabing paaralan habang sinisiyasat pa ang CCTV records nito. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?