130
Scholarship panuhol sa mga kabataang nire-recruit maging rebelde
Aug 14, 2019 @ 18:57
By

Scholarship panuhol sa mga kabataang nire-recruit maging rebelde

Nabunyag sa ginawang pagdinig ng Senate public order and dangerous drugs tungkol sa nawawalang mga estudyante, na scholarship ang ginagamit ng mga makakaliwang grupo para ma-recruit nila sa samahan ang mga kabataan.

Inamin ng dating rebeldeng si Alvin Turero na isa siya sa mga na-recruit na estudyante.

“Sa murang edad na-recruit nila ako hanggang sa naging recruiter na rin po ako. Sabi ng Kabataan party-list sa akin, pangakuan mo ng scholarship sa UP, PUP pero nung magpapasukan na, isa dun ‘yung pamangkin ko na na-recruit ko, wala po ni isang nakapasok sa school,” paglalahad niya.

Karamihan din umano ng nakukuha niyang kabataan, bilang isang organizer, ay iyong may galit sa mga magulang at mga mahihirap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?