19

Oct 30, 2020 @ 9:39
By

Scarlett Johansson ikinasal na!

Officially married na sina “Black Widow” actress Scarlett Johansson at “Saturday Night Live” star Colin Jost.

Kinasal noong weekend sa isang intimate ceremony ang dalawa kasama ang kanilang immediate family at mga mahal sa buhay, ayon sa post ng Meals on Wheels sa ulat sa CNN.

Sumunod umano sa mga COVID-19 safety precaution ang kasal nina Scarlett at Colin.

Na-engage ang dalawa noong May 2019 matapos ang dalawang taong pagdi-date.

Si Scarlett ang unang asawa ni Colin.

Dalawang beses naman nang ikinasal si Scarlett, una ay kay actor Ryan Reynolds sumunod kay French businessman Romain Dauriac, kung saan siya nagkaroon ng anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?