478
Scarlet Snow ‘inupakan’ si Mayweather
Apr 3, 2019 @ 14:30
By

Scarlet Snow ‘inupakan’ si Mayweather

Hindi nakapalag ang world welterweight champion na si Floyd Mayweather Jr., sa “pagsapak” sa kanya ni Scarlet Snow Belo.

Sa Instagram post ng 4-year-old na anak nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho sinabi nitong tiyak pagagalitan siya ng daddy niya dahil sa pananakit ng tao pero binigyan naman aniya siya ng permiso ni Mayweather.

“I’ll get in trouble with Daddy for hitting a person, but Mr.@floydmayweather said if I do it gently it’s okay. I will always remember that at four years old, I landed a punch on his cute face,” sabi ni Scarlet sa caption.

Dumating sa bansa si Mayweather noong Linggo at agad nagtungo sa Boracay para magbakasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?