337

Jan 4, 2019 @ 18:32
By

Scarf ng aso ni Heart, P40K ang halaga?

Tumataginting na P40,000 lang naman ang tinatayang halaga ng suot na scarf ng aktres na si Heart Evangelista.

Sa Instagram post ng misis ni Senador Chiz Escudero, ipinagmalaki nito ang kanyang asong Aspin na may pangalang Panda.

β€œWe are really starting to look alike! Princess Panda is my mini-me!” saad sa caption ni Heart sa Instagram.

Ngunit may napansin ang isang netizen sa suot ng alagang aso ni Heart.

Ayon kay Myrtle Mydel Cahayon, ang suot umanong makulay na scarf ni Panda ay mula lang naman sa sikat na brand na Hermes.

Base sa kanyang post, nagkakahalaga umano ng $780 ang nasabing scarf o tumataginting na lampas P40,000 ang halaga!

β€œIto na naman si Mareng Heart para ipamuka satin na mahirap tayo,” ayon kay Cahayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?