5,326

Apr 5, 2019 @ 11:46
By

Scandal ni Paredes pinagtripan ni Duterte

Ginawang katatawanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa campaign rally ng PDP-Laban sa Palawan ang viral video ng isa sa mga kritiko nito na si Jim Paredes.

Patok sa mga dumalo at nakinig sa campaign rally ang pagmuwestra ng Pangulo na ‘maliit’ dahil nagtawanan ang mga ito.

Sinabi ng Presidente na ipinakita sa kanya ng kanyang security aide ang viral video ni Paredes na aniya ay maliit at hirap pa aniyang tumindig.

“May isang hindi naman bakla nagpakita ng t*ti niya ganon lang kataas susmarya. Matagal na ngang tumindig, maliit pa gyud,” anang Pangulo.

Si Paredes ay isa sa mga matinding kritiko ni Pangulong Duterte kayat nang kumalat ang malaswang video nito ay umani ng pambabatikos sa social media at anila ay nakarma na ito.

Pinagkumpara pa ng Presidente si Paredes at isa pang kritiko nito na si Kit Tatad na aniya ay halos parehas na ang sitwasyon dahil may problema na ang mga ito sa erection.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?