150

Nov 24, 2021 @ 10:20
By

Scammer na Liberian tiklo sa Pasay

Isang 42-anyos na Liberian national na sinasabing nagpapatakbo ng isang international online scam syndicate ang nadakip ng mga awtoridad sa Pasay City.

Batay sa ulat, kinilala ang suspek na si Jerry Jefferson, na may alyas na James Bobby Harries.

Ikinasa ng pulisya ang entrapment operation laban kay Jefferson kaugnay ng reklamo ng isang 69-anyos na retiradong piloto mula Pampanga.

Ayon sa biktima, halos P5 milyon ang ibinigay niya kay Jefferson para sa isang humanitarian project kung saan malaki umano ang kikitain sakaling makumpleto niya ang mga dokumento.

Ngunit wala pa umanong dumarating na pera sa biktima ay nanghihingi na agad ng dagdag bayad ang suspek.

Sa pagkadakip sa Liberian ay nakumpiska ang 15 bugkos ng pekeng US dollar bill na may halagang $150,000.

Nakatakdang sampahan ng kasong syndicated estafa si Jefferson.

Inaalam na rin ng mga awtoridad ang posibilidad na may mga kasabwat sa bansa ang suspek. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?