153

Feb 10, 2019 @ 9:37
By

Scammer ginagamit ang pangalan ng Archway para makapanloko

Maraming nagreklamo sa isang scammer na ginamit ang pangalan ng isang International & Marketing Services para sa pangako umanong seminar para makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sa ipinadalang email ni Ruby Esteban, parte ng management ng Archway International, idinetalye ang ginagawang pag-ii-scam ng isang lalaki na nagpapakilalang mula sa kanilang kompanya.

Ayon sa email ni Esteban sa Philippine Overseas Employment Agency, marami umano ang nagtatanong sa kanilang opisina kaugnay ng mga aplikante na hinihingan ng P3,600 para sa seminar para makapunta sa London, Canada o New Zealand.

Itinanggi sa email ang pagkakasangkot ng Archway International sa ganitong kalakaran, at sinabing hindi sila konektado sa recruiter na ginamit ang pangalang Rafael Abisamis, ang mismong may-ari ng Archway.

Sa sulat naman ng CEO na Archway na si Gloria Reyes, peke at scam aniya ang modus na nagpapadala ng email o text sa ilang katao para maengganyo sa mababang presyo ng seminar para maging overseas Filipino worker.

“This illegal activity by some persons/people using Archway International name is FAKE and a SCAM,” ayon sa sulat para kay POEA Administrator Bernard Olalia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?