185

Sep 20, 2019 @ 10:50
By

Scam pala! 2019 K-pop Super Concert na-postpone 3 araw bago ang event

Dahil umano sa mga internal problem sa kompanya, napagdesisyunan ng Phil Kor 301 na iusog ang petsa ng 2019 K-pop Super Concert na dapat ay gaganapin ngayong Sabado, Setyembre 21.

Sa Facebook, inanunsiyo ng Rainbows in Asia Music Festival ang pahayag ng CEO ng kompanya at Koreanong promoter ng event.

“We really wanted to show an amazing show to Filipino KPOP fans, but due to our internal problems, the RAMF 2019 concert has been moved to the postponed schedule,” sabi ng CEO.

“We sincerely apologise and promise to have a better event on our next visit,” dagdag niya.

Sa ngayon, hindi pa nagbigay ng bagong iskedyul ang RAMF organizers.

Samantala, dismayado ang mga Pinoy K-pop fans at naglabas ng kanilang galit sa #RAMFSCAM sa Twitter.

“Everyone in the whole of the fucking Philippines knows how difficult it is to fill in PH arena, not to mention how late and how bad the promotion of the event was. And you cancel on us 3 FUCKING DAYS BEFORE THE EVENT????!!! #RAMFSCAM,” himutok ni @InnerMeehrong.

“I bought my ticket for 11,520 peso which it is not a small amount of money. I wish that Phil Kor 301 and ticket world Ph can give me, and the ticket buyers a clear definition about the refund for 2019 RAMF in Manila,” saad ni @ttak_ji.

“One of my mom’s goal is for her to save enough money so that I could watch MAMAMOO’s concert (and BTS) in the future. She’s not with me anymore coz she went home, to heaven, just last year. I was so excited, telling my mom “This is it mom, our dream” then #RAMFSCAM happened,” sey naman ni @mmm_jhd.

“I honestly can’t move on. I am really disappointed, not because I bought tixx for RAMF but because of the thought that I won’t see them tomorrow. I’ve been waiting for this,” ayon naman kay @arinnieday.

Ilan sa mga dapat na magtatanghal sa event sina Winner, Oh My Girl, Mamamoo, at Park Bom.

Para sa mga detalye sa pag-refund, maaaring tawagan ang TicketWorld sa 891-9999, o mag-email sa tickets@ticketworld.com.ph .

Ayon naman kay netizen @share2review, maaaring maghain ng reklamo sa consumercare@dti.gov.ph kasama ang mga detalye ng ticket at hotel accommodations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?