98

By

SC justices, ‘no show’ sa Sereno impeachment hearing

Sharing is caring!

Bigong makaharap ang mga mahistrado ng Korte Suprema sa pagpapatuloy ngayong araw ng pagdinig sa impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito’y dahil merong en banc session ang Supreme Court (SC) ngayong Martes.

Mauurong sa susunod na Linggo ang muling pagtestigo ni Associate Justice Teresita de Castro dahil pupunta pa ito sa Japan kaya hindi rin makadadalo sa hearing bukas (Miyerkules).

Humirit sa House Justice Committee sina Associate Justices Noel Tijam at Francis Jardeleza gayundin si retired Justice Arturo Brion na sa Disyembre 11 na sila paharapin sa impeachment hearing.

Itinuloy naman ni SC Administrator Midas Marquez ang kanyang testimonya.

Sentro ng pagdinig ng komite ngayon ang isyu sa umano’y pag-antala sa benepisyo ng mga retiradong mahistrado at asawa ng mga namatay nang justices. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?