47

Nov 16, 2018 @ 10:49
By

SC Justices namili ng pambato para sa associate justice post

Nanguna sa botohan ng Supreme Court Justices para sa associate justice post ng Kataas-taasang Hukuman si Court of Appeals Justice Manuel Barrios

Partikular sa binakanteng pwesto noon ni retired Chief Justice Teresita Leonardo-de Castro nang mahirang siya bilang punong mahistrado.

Sumunod naman kay Barrios na nakakuha ng 12 votes, ang kanyang mga kapwa CA Justices na sina Rosmari Carandang nakakuha ng 11 votes, Japar Dimaampao na may 10 votes; Ramon Garcia 9 votes; Edgardo Delos Santos, 8 votes; Apolinario Bruselas, 7 votes; at Amy Lazaro-Javier na may anim na boto.

Nakakuha rin ng anim na boto si dating Ateneo Law School Dean Cesar Villanueva.

Labingdalawa ang mga aplikante sa nasabing pwesto at ngayong araw ilalabas ng Judicial and Bar Council ang kanilang shortlist na isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?