97

By

SC hinimok ang PNP na kastiguhin ang sangkot sa pagpatay sa Ozamis judge

Sharing is caring!

Ikinalulungkot ng Korte Suprema ang pagpatay kay Ozamis City Regional Trial Court Executive Judge Edmundo Pintac.

Si Judge Pintac ay binaril at napatay habang siya ay pauwi na.

Kaugnay nito, nananawagan si Chief Justice Teresita De Castro sa pambansang pulisya na gawin ang lahat ng paraan para maaresto sa lalong madaling panahon ang mga nasa likod ng pagpatay.

Inatasan na raw niya si Court Administrator Jose Midas Marquez para makipag-ugnayan sa mga awtoridad.

“I have also instructed the Court Administrator to coordinate with all law enforcement officers to bring to justice those responsible for this crime,” saad ni De Castro sa isang statement.

Kasabay nito, nagpaabot din si De Castro ng panalangin at pakikiramay sa pamilya ni Judge Pintac labing limang taong nagsilbi bilang RTC Judge.

“Our prayers and sympathies go out to the family of Judge Pintac. May they find strength in this moment of grief,” dagdag ni De Castro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?