76

Oct 18, 2017 @ 16:40

SC discussions, gagamitin sa impeachment case vs Sereno

Ibibigay ng complainants sa nabasurang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang mga ebidensya nila para magamit sa kaso ni Atty. Larry Gadon.

Ito ay para daw lalo pang mapalakas ang reklamo laban sa punong mahistrado.

Kinuha ni Atty. Manuelito Luna sa tanggapan ng House Secretary General ang mga dokumentong ginamit nila sa paghahain ng impeachment complaint para maibigay ang mga ito kay Gadon.

Naniniwala ang abogado na makatutulong ito sa determination of probable cause para ma-impeach si Sereno.

Ayon kay Luna, ang mga dokumentong ito ay naglalaman ng mga panloob na talakayan at deliberasyon ng Korte Suprema.

“Ito yung mga internal documents ng mga discussions and deliberations ng Korte Suprema and ito ay sa tingin namin ay pivotal dito sa kaso laban sa kanya na sa tingin namin ay eventually, aabot sa Senate impeachment court,” saad ng abogado.

Matatandaang naghain ng sariling impeachment complaint laban kay Sereno ang mga kliyente ni Luna na sina VACC Chairman Dante Jimenez at Atty. Eligio Mallari pero nabasura ito dahil insufficient in form bunsod ng depektibong verification. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?