39

May 8, 2020 @ 16:21
By

SC ‘di umaksyon sa plea ng abs-cbn

Nabigo ang ABS-CBN na makakuha ng temporary restraining order laban sa ceast and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) matapos na hindi aksyunan ng Supreme Court (SC), ang kanilang petisyon.

Sa halip, sinabi ng SC na ira-raffle sa Lunes ang kaso at ang mahistrado na hahawak ng kaso ang magrerekomenda sa Court En Banc para ito matalakay.

Ayon sa isang SC insider, hindi pinag-usapan ang petition for certiorari and prohibition with a prayer for TRO na inihain ng network noong Huwebes at hindi ito kasama sa agenda ng SC En Banc.

Nabatid na inihain umano ito ng late noong Huwebes at kinakailangan special raffle ay dapat na i-schedule ng raffle committee.

Una nang inakusahan ng ABS-CBN ang NTC ng “gravely abused its discretion” nang mag-isyu ng ceast and desist order sa halip na Provisional Authority.

Matatandaang expired na ang prankisa ng ABS-CBN noong Mayo 4.

Nakabinbin naman sa Kongreso ang 11 panukalang hakbang ng ABS-CBN para sa renewal ng kanilang prangkisa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?