76

Dec 6, 2017 @ 13:53
By

SC clerk of court, nagmatigas sa confidentiality rule

Nakipagmatigasan sa mga kongresista si Supreme Court (SC) Clerk of Court Felipa Anama nang pigain kung sino sa mga mahistrado ng Korte Suprema ang humawak sa apela ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na mailipat sa labas ng Mindanao ang Maute cases.

Bagama’t kinumpirma ni Anama na nai-raffle ang sulat ni Aguirre, tumanggi itong tukuyin kung kanino napunta at iginiit ang confidentiality rule o ang Rule 7, Section 3 ng SC.

Iginiit naman ng mga kongresista na wala nang pinag-uusapang confidentiality dahil naresolba na ang kaso.

“Kung natapos na po ang kaso, wala na tayong pakialam doon sa raffle,” punto ni Leyte Rep. Vicente Veloso.

Binigyang-diin din ni House justice committee chairman Reynaldo Umali na hindi naman gustong alamin ng komite kung kaninong mahistrado nai-raffle ang kaso kundi gusto lamang nilang linawin na hindi si Sereno ang member-in-charge.

Pero sumagot si Anama na, “hindi po kay Justice [Noel] Tijam, kaya doon po sa labing-apat mamili na po kayo doon.”

Dahil dito’y napika ang mga miyembro ng komite sa opisyal ng korte.

“Attorney Anama, ‘wag po tayong maging pilosopo dito, please be cooperative,” sermon ni Umali.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?