36

By

SBP pabago-bago ang isip, magpapadala ulit ng koponan sa Asiad

Sharing is caring!

MUKHANG may tsansa na magpapadala din ang Pilipinas ng kinatawan sa men’s basketball competitions sa Asian Games sa Indonesia ngayong buwan.

Noong July 26 ng hapon, nagkasundo ang PBA Board na ipapadala sa Asiad ang core ng Rain or Shine, si coach Yeng Guiao ang hahawak.

Pero kinagabihan, naglabas ng statement ang Samahang Basketbol ng Pilipinas at sinabing wala nang kakatawan sa Pilipinas sa men’s basketball – bagay na kinagulat ng PBA at ng governors na humarap sa press kinabukasan, sinabing hindi sila kinonsulta sa desisyon.

Pero ayon sa sources, muling nag-meeting ang SBP at ang PBA Board ngayong linggo lang, hindi man inamin ay mukhang ang Asiad stint din ang napag-usapan.

Bago ang Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup Finals sa pagitan ng San Miguel Beer at Ginebra sa Smart Araneta Coliseum nitong Linggo, nagpatawag ng press conference sina Commissioner Willie Marcial at SBP president Al Panlilio.

Posibleng si Guiao pa rin ang hahawak sa PHL team, ayon sa sources ay kinausap ng Board ang NLEX coach bago ang press conference para plantsahin ang plano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?