56

By

SBP niluluto na: Cone para Gilas coach!

Makalipas ang 21 taon, posibleng muling mahawakan ni Tim Cone ang national team.

Ito’y matapos ilahad ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na kanilang sinisipat ang PBA winningest coach bilang susunod na lead mentor ng Gilas Pilipinas.

Kakailanganin munang ipaalam ng basketball body ang posibilidad na pag-coach ni Cone sa national team, na ngayon ay hinahawakan ang crowd-favorite sa PBA na Ginebra.

“We have to choose the coach first. Then the first order is to talk to him if he’s willing himself. I like to imagine he would be. Then we have to talk to San Miguel (Corp.). I think they will permit him to do that,” ayon kay SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan.

Kung sakali, si Cone ang ipapalit sa binakanteng pwesto ni Yeng Guiao, na nagbitiw matapos ang winless campaign sa 2019 Fiba World Cup.

Sa premiere local league, may 21 kampeonato nang nakakabit sa pangalan ni Cone, kasama na rito ang dalawang grand slam title na tanging siya pa lang ang nakagagawa.

Dati na ring nagsilbi si Cone para sa national colors, sumalang bilang coach ng PBA Centennial Team kung saan nasungkit ang third place sa 1998 Asian Games sa Bangkok.

Hiling din ng SBP na mapadali ang pagbuo ng roster sa posibleng pagkuha kay Cone.

“(Mga SMC players) hatak yan pag si Tim Cone,” saad pa ni Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?