77

Sep 12, 2018 @ 16:19
By

SBP natuto kay Slaughter: Ipipilit maging local si Pringle sa FIBA

Sa unang salang ng NorthPort guard na si Stanley Pringle para sa Team Pilipinas sa 2018 Asian Games, napabilib nito ang halos lahat sa impresibo nitong laro laban sa mga international team.

At dahil lusot sa FIBA ang Ginebra slotman na si Greg Slaughter na makapaglaro bilang Pinoy, tatangkain ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na asikasuhin naman ang dokumento ni Pringle.

Saad ni SBP president Al Panlilio sa ilang media, balak umano nila na kunin na ang ilang dokumento para hindi na sumakit ang ulo ng Team Pilipinas sa pamimili ng naturalized player.

Sa ngayon, ang pangunahing aasikasuhin ng SBP ay ipasa ang pangalan ng ilang Fil-foreign players tulad nina Chris Ross ng San Miguel, Chris Newsome ng Meralco, at iba pa para tuluyan nang malaman kung sino-sino ang pupuwede bilang local para sa Team Pilipinas.

Nagsimula ang problema ng PH Nationals noong pumasok ang rule na dapat ay may Filipino passport na ang mga Fil-foreign sa edad na 16-anyos, ngunit sa pagpayag kay Slaughter na nakakuha ng pasaporte noong 17-anyos na ay mukhang may pag-asa na ang ilang manlalaro ng ‘Pinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?