523
views
abante-tnt-vismin-australian-team
By

SBP nagreklamo sa FIBA laban sa Team Australia

Sharing is caring!

Iritado ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa ginawa ng Australian players nang magpraktis sa Philippine Arena sa Bocaue nitong Lunes sa bisperas ng pagtatapat sa Window 3 ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Walang pasabi at pwersahang binaklas ng Aussies ang stickers ng game sponsors kabilang ang PLDT na nasa bilog sa free throw line.

Dahil closed door ang praktis, walang miyembro ng FIBA o ng local organizing committee na naroon para pigilan ang pagbabaklas.

Pero nakunan ito ng video at naipost sa Twitter account ni Manny V. Pangilinan (@iamMVP), godfather ng Gilas Pilipinas.

“Aussie team ripping our/Fiba logos on the court of Phil Arena w/o asking permission. We will not back down. Those stickers go in. regardless,” ang caption sa video.

Sa pamamagitan ng legal counsel na si Atty. Aga Francisco, ipinarating ng SBP ang reklamo sa FIBA. Hinihintay pa ang sagot at aksiyon ng world governing body ng basketball.

“During the closed door practice of the Australian National Team from 2:30 to 4:30pm, members of the Australian team forcibly removed the stickers of the game sponsors from the hardcourt of the Philippine Arena WITHOUT FIRST CONFERRING WITH FIBA OR SBP LOC,” anang bahagi ng statement ng SBP.

Kinatwiran daw ng Australian team na nag-alala sila sa kapakanan ng mga manlalaro dahil madulas ang surface na natakpan ng logo ng sponsors.

Nang maungkat ang insidente sa technical meeting, inamin naman ng kinatawan ng Australia ang pagkakamali at humingi ng paumanhin.

Aminado ang LOC, sa pamamagitan ni SBP deputy executive director Bernie Atienza, na may karapatang magreklamo ang visiting team pero wala silang karapatan na baklasin ang stickers na bago inilagay ay aprubado ng FIBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?