53

By ,

SBP nag-sorry!

Sharing is caring!

Nagsalita na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) tungkol sa hindi inaasahang pangyayari Lunes ng gabi sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Australia Boomers sa 3rd window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena sa Bulacan.

Sa 4:01 yugto ng ng ikatlong quarter ay hindi inaasahang magkasakitan ang ilang manlalaro ng dalawang koponan na nauwi sa pagkakaantala ng laro at pagka-eject ng ilang manlalaro — siyam sa Gilas habang apat sa Boomers.

Sa pahayag na inilabas ng SBP, humingi ito ng paumanhin sa lahat ng Filipino basketball fans at sa basketball community tungkol sa insidenteng nangyari.

“The Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) apologizes to the Filipino basketball fans and to the basketball community for the incident that occurred during last night’s game. As hosts, we regret having breached the bounds of traditional Filipino hospitality. As the national team representing the flag and the country, we likewise extend our apologies to the Filipino people. SBP stands by its conviction that violence has no place in sports. We will review the incident comprehensively and await for the decision of FIBA with respect to the disciplinary proceedings on the matter,” buong pahayag ng SBP.

Una nang naglabas ng pahayag ang Australia at humingi na rin ito ng tawad ilang oras matapos ang nasabing insidente.

Hanggang ngayon ay wala pa ring nilalabas na desisyon ang FIBA tungkol sa insidente. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?