13

Jan 26, 2021 @ 16:28
By

SBP kinansela FIBA qualifying window sa ‘Pinas

Inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kanina na hindi na maikakasa ang qualifying window ng FIBA Asia Cup 2021 sa bansa.

“The SBP wanted nothing else than to be one with the international basketball community as it attempts to bounce back in 2021 after taking a huge hit during the pandemic,” ani SBP president Al Panlilio sa isang pahayag.

Kanselado ang naturang aktibidad buhat ng ipinatutupad na travel ban sa bansa.

Sambit niya, nakipag-ugnayan sila sa mga awtoridad kaugnay ng aktibidad ngunit wala umanong exemption ang batas.

“We’ve constantly communicated with our partners from the National Task Force Against COVID-19 and they have informed us that there would be no exemptions from the current travel restrictions announced by the Department of Foreign Affairs,” pahayag niya.

Aniya, kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa FIBA hinggil sa naturang sitwasyon.

“We look forward to the day that the SBP welcomes FIBA basketball to our shores again,” wika ni Panlilio.

Nakatakda sanang ikasa ang qualifying window sa Clark, Pampanga mula Pebrero 17 hanggang 22.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?