31

By

SBP hindi magpapadala ng koponan sa Asiad, aapela!

Sa tinutumbok ng pahayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, mukhang nag-iipon sila ng sapat na basehan para umapela sa FIBA.

Ito ‘yung desisyon ng world governing body sa mga sangkot sa riot noong July 2 sa Philippine Arena sa home game ng Gilas Pilipinas kontra Australia sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Huwebes ng gabi ay naglabas ng statement ang SBP, sinasabing hindi na sila magpapadala ng team sa Asian Games sa Indonesia sa Aug. 18-Sept. 2.

Kinahapunan lang ay nagkasundo ang PBA Board na core ng Rain or Shine ang magdadala ng bandera ng Pilipinas sa Asiad, si Yeng Guiao ang tatayong coach.

Kinagabihan ay biglang umatras ang SBP.

Hindi raw “optimal” – pinakamainam o pinakamaganda – na magpadala ng teams sa Asiad.

“To allow our National Team and our organization to regroup, prepare for the process of appealing the FIBA Disciplinary Panel’s recent Decision, and aim for sustainable success in future tournaments – including the upcoming FIBA World Cup Qualifiers and the 2023 FIBA Basketball World Cup – we have reached the conclusion that, with the forgoing considered and after consulting with the basketball community, the time and chance to participate in the 2018 Asian Games would not be optimal,” anang bahagi ng three-paragraph statement ng SBP.

Lumabas ang desisyon ng FIBA nitong July 19, suspendido ang 10 miyembro ng Gilas at pinagmumulta ang SBP at si coach Chot Reyes ng (Swiss franc) 260,000.

May 14 araw ang SBP – pati ang Basketball Australia – para umapela.

Hindi lang malinaw kung ano ang iaapela ng SBP – ang multa o suspension, o pareho.

Tanging sa 2019 FIBA World Cup Qualifiers lang epektibo ang suspension, hindi kasama ang sa iba pang liga tulad ng sa PBA at Asian Games.

Suspendido sa Gilas sina Japeth Aguilar at Matthew Wright (1 game each); Terrence Romeo, Jayson Castro, Andray Blatche at Troy Rosario (3 games each); RR Pogoy, Carl Bryan Cruz at Jio Jalalon (5 games each); at Calvin Abueva (6 games). ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?