11

Sep 29, 2020 @ 8:38

SBP hahanap ng mga player

Isang malaking hamon ang kinakaharap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) para FIBA Asia Cup qualifier sa Nobyembre dahil walang makakasamang mga beteranong miyembro, aasa lang sa mga batang collegiate player o Gilas Pilipinas Cadet.

Aminado si Gilas program director Tomas Anthony ‘Tab’ Baldwin na isang welcome developments ang situwasyon para sa batang koponan na nakatuon sa pagho-host ng bansa sa 2023 World Cup.

“We don’t have enough cadets to fill out a roster,” ani Baldwin sa isang virtual press conference nitong Lunes.

Problema ng SBP na magsisimula ang PBA sa naudlot na 45th Philippine Cup 2020 sa Clark bubble sa Oktubre 11.

Ani Baldwin, hindi magiging palaban ang Gilas kung sina Matt at Mike Nieto, Isaac Go, Allyn Bulanadi, at Rey Suerte na mga galing sa 2019 PBA special draft ang mga mangunguna sa team laban sa karibal sa Asian Games na Korea at sa SEA Games na Thailand.

“We can’t play with five players, six if we include Jaydee [Tungcab], seven if we include Thirdy [Ravena],” aniya .

Hindi sumali si Ravena sa draft at pumirma sa Japan B.League.Pero sinabi niyang bukas siya maglaro para sa national team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?