48

By

SBP chairman Angara todo sa PHL caging

Sharing is caring!

Positibo si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman Senator Sonny Angara na magiging matikas ang taong 2018 sa Philippine basketball partikular sa Gilas Pilipinas.

“Tayo ay umaasa, nagdarasal at magsusumikap na ang 2018 ay magiging banner year para sa ating “Philippine basketball,” panayam sa senador kahapon.

Target ng mambabatas, na isa ring basketball enthusiast, na makabalik sa Asian supremacy at sa world stage ang Philippine hoopsters dahil sa dedikasyon at pagmamahal sa basketball.

“Optimistic ako that 2018 would be a good year for Philippine basketball. Sana ma-regain natin ulit ang Asian supremacy at maging successful ang Gilas sa qualification round for FIBA World Cup 2019,” wika pa ng senador.

Babalik sa bakbakan ang Gilas ngayong Pebrero 22 para sa ikalawang yugto ng FIBA Qualifiers. Dadayuhin ng Philippine squad ang matatangkad at powerhouse na Australian team sa kanilang home court sa Melbourne. Pagsapit ng Pebrero 25, magsisilbing host naman ang Gilas laban sa Team Japan.

Nakasungkit na ng dalawang panalo ang Gilas sa unang window ng FIBA Qualifying nitong Nobyembre laban sa Japan (77-71) at laban sa Chinese Taipei (90-83).

Sasabak muli ang Gilas sa third window ng FIBA World Cup Qualifier sa Hunyo 29 at sa Hulyo 2 laban naman sa Chinese Taipei at kontra Australia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?