12

Jun 14, 2021 @ 14:06
By

SBP: Baldwin batak sa international play

Binigay ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang buong control ng Gilas Pilipinas kay Tab Baldwin matapos itong ibalik bilang coach ng national team.

Ayon kay SBP special assistant to the president Ryan Gregorio, napili si Baldwin bilang bagong coach ng Gilas para magawa ni Baldwin ang lahat ng adjustment na kakailanganin niya.

Bago ibalik bilang coach ay nagsisilbi si Baldwin na program director ng PH national team.

“It is important to understand and of course know that coach Tab Baldwin is tasked to run the program all the way to 2023. And he is just so encouraged and excited to hold these young players all the way in that direction,” ayon kay Gregorio.

Dinahilan din niya na ang dating New Zealand national team tactician ang pinakamaraming experience sa mga international tournament sa hanay ng mga coach sa bansa.

“He understands international play better than any of us or better than anyone on his coaching staff,” saad pa ni Gregorio.

Pinalitan ni Baldwin sina Jong Uichico at Mark Dickel, na nagtimon sa Gilas sa una at ikalawang window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?