91

By

SBP, Australia nagkasundo: ‘Alang puwang ang rambulan

Naglabas ng joint statement ang Samahang Basketbol ng Pilipinas at Basketball Australia hinggil sa riot na naganap sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers match ng dalawa noong July 2 sa Philippine Arena sa Bocaue.

Wala daw puwang sa court ang naganap na rambulan, kasabay ng pag-ako sa responsibilidad sa nangyari.

“We deeply regret the events that took place during the game. The actions displayed have no place on any basketball court,” bahagi ng six-paragraph statement.

Ang kalatas ay may logo ng dalawang basketball associations, nakapangalan kina SBP president Al Panlilio at counterpart niya sa Basketball Australia na si Ned Coten.

“We wish to apologize to the entire basketball community worldwide and in particular to our fantastic fans in the Philippines and Australia – for the behavior displayed by both teams and for bringing the game of basketball into disrepute,” dagdag ng statement.

Nakikipagtulungan ang dalawang grupo sa imbestigasyon. Nangako ang FIBA na bubusisiin ang nangyari at maglalabas ng desisyon sa mga susunod na araw.

“We will do everything in our power to prevent this from happening again,” ayon sa dalawang asosasyon. “Basketball has a unique power to unite and we look forward to continuing bringing people together in the true spirit of friendship and sportsmanship in future games.” ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?