19

Apr 17, 2021 @ 10:52
By

SBP aaksyunan kontrobersya sa VisMin Cup

Hindi papalampasin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang nangyaring laro sa pagitan ng Siquijor Mystics at ARQ Builders Lapu-Lapu City sa Pilipinas VisMin Super Cup.

Saad ni SBP President Al Panlilio, kanila nang pinapaimbestigahan ang naturang pangyayari kung saan sadyang minintis ng mga manlalaro ang bola.

“They were the only few who were privileged to play and they should take advantage of that. There’s a great responsibility of being given that chance and they have to show the youth how the game should be played,” saad ni Panlilio sa ‘Power and Play’.

Bagama’t hindi parte ng SBP ang VisMin Cup, sinabi ni Panlilio na maari pa ring maparusahan ang mga liga at mga manlalaro nito sa pamamagitan ng Games and Amusements Board.

“Definitely, we need to sanction them. I just want to make sure that we make the right application of sanctions. I think part of this is a discussion with GAB,” lahad pa ni Panlilio.

Ban na sa VisMin Cup ang mga coach at manlalaro ng Siquijor, habang ilan namang player at coach sa Lapu-Lapu City ang sinuspende ng liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?