63
Table netter Misal, iba pa uupak sa Flexible Cup
Aug 23, 2019 @ 17:57
By

SBC, CSB paborito sa NCAA table tennis

Nais pahabain ng San Beda ang pagrereyna sa women’s division habang target ng College of Saint Benilde ang ikaanim na sunod na men’s crown sa paghataw ng 95th NCAA table tennis tournament Sabado sa JRU gym.

Binutata ng Lady Red Paddlers ang Letran noong isang taon, 3-0, at hinirang na Most Valuable Player si Angel Sanchez.

Samantala, raragasa rin ng ika-6 na kampeonato ang College of Saint Benilde sa men’s division kahit gradweyt na ang ace player nilang si five-time MVP Ryan Jacolo.

Panalo ang CSB kontra Letran, 3-1, para mapanatili ang korona last season.

Sa juniors division, paborito ang Letran, na tinalo ang San Beda sa Season 94 Finals sa pangunguna ni MVP Matt Andrew Ramos, na mapanatili ang titulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?