111

May 3, 2021 @ 21:48
By

SB19 nagpasabik sa bagong kanta

Kanya-kanya nang hula ang mga fan sa title ng ilalabas na bagong kanta ng P-Pop group SB19 ngayong May.

Sa Twitter, ibinahagi ng grupo ang isang poster tampok ang Earth, na may logo nila at release date na May 16 sa gitna.

Nilagyan nila ito ng mga hashtag na #SB19IkalawangYugto at #SB19Saan, na top trending topics sa Twitter Philippines dahil sa excitement ng mga fan.

Nagmarka sa kasaysayan ang SB19 matapos ma-nominate para sa Top Social Artist category sa Billboard Music Awards ngayong taon.

Sila ang kauna-unahang Filipino act na na-nominate sa karangalan.

Babanggain ng grupo ang mga K-pop idols na BTS, Blackpink at Seventeen pati na ang pop star na si Ariana Grande.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,