701

May 13, 2021 @ 17:52
By

SB19 binara mga basher

Sinupalpal ng Pinoy pop group na SB19 ang ilang maaanghang na komento ng mga bashers.

Isa sa mga pangunahing puna sa banda ang panggagaya umano nila sa mga sikat na Korean group at wala silang originality. Ngunit ayon sa kanila, sadyang naiimpluwensyahan ang kanilang musika ng mga nagmula sa ibang bansa, ngunit sariling istilo pa rin nila ang namamayagpag sa kanilang mga awitin at maging sa kanilang pananamit.

“Nag-e-evolve naman po talaga ang fashion, nag-e-evolve ang music. Andito na po tayo sa modern times, 2021 na po, ganu’n po talaga. Asian country po tayo so naturally po meron po tayong mga reference din galing sa Asia,” pahayag ni Josh.

“Hindi po Korea ang ginagaya namin, sariling style lang po namin lahat, pati po pananamit, lahat po ‘yan. Pati pagsulat ng kanta hindi lang po siya naka-Korean,” dagdag pa niya.

Palaisipan rin sa banda kung saan kumukuha ng motibo ang kanilang mga hater para sila ay laitin.

“Hindi ko alam kung saan nanggagaling, saan nila napupulot ‘yung mga sinasabi nila. Kami po, kumbaga wala naman kaming ginagawang masama, ginagawa lang po namin ‘yung kung saang paraan kami nag-e-enjoy at kung saan kami nag-excel sa tingin namin. Pero bakit po kailangang may mga ganu’ng salita?” saad ni Pablo.

Nanomina ang SB19 para sa Top Social Artist category ng Billboard Music Awards 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?