29

Apr 6, 2021 @ 18:32
By

Sayang oras, dapat binuksan agad! Nancy Binay kinuwestiyon ribbon cutting sa bagong modular hospital

Pinuna ni Senadora Nancy Binay ang naging photo op at ribbon cutting sa bagong tayong Quezon Institute Offsite Modular Hospital.

Ayon sa mambabatas, aksaya lang ng oras ang seremonya lalo’t hirap ma-admit sa ospital ang mga COVID-19 patient.

Sa nasabing event, makikita ang ilang opisyal mula sa Department of Health, Department of Public Works and Highways at Inter-Agency Task Force.

Kasama sa nasabing seremonya sina DPWH Sec. Mark Villar, DOH Sec. Francisco Duque III, DOH Usec. Leopoldo Vega at Senador Bong Go,

“Pakiusap kung pwede buksan na lang para magamit agad. Sayang lang ang oras sa ribbon cutting at photo ops,” ayon kay Binay.

“These things are unnecessary & leave a bad taste for families of Covid patients who are racing against life & time,” aniya pa.

May hashtag pa ang senadora na #TimeIsOfTheEssence at #BawalDinAngMassGathering.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?