183
ABANTE lacson senado chacha wala saysay
By

Saya, lungkot nadama ni Lacson sa pagkawalang-sala ni Revilla

Sharing is caring!

Magkahalong saya at pagkadismaya ang naramdaman ni Senador Panfilo Lacson sa pagpapawalang-sala ng korte kay dating Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.

Masaya siya para kay Revilla na kaniyang kumpare pero dismayado rin bilang lumalaban sa pork barrel.

“As a former colleague and friend, I am happy for ex-Sen. Bong Revilla,” sabi ni Lacson sa text message.

“As a strong advocate against the pork barrel system, I feel weak and defeated,” dagdag nito.

Pero idiniin na iginagalang niya ang pasya ng Sandiganbayan dahil ito ang nakapagtimbang ng mga ebidensya ukol sa pork barrel scam.

“At the end of the day, life goes on. Same is true with our individual battles,” sabi pa ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?