1,222
cynthia-villar
By

Sawsawerang Cynthia Villar supalpal kay Koko: Wag mo pakialaman ang PDPLaban

Sinupalpal ni Senador Koko Pimentel si Senadora Cynthia Villar sa idinadahilan nito sa hindi paglagda sa resolusyon na sumusuporta sa leadership ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Sa isang ambush interview ay ipinaliwanag ni Villar kung bakit niya kinompronta si Senador Manny Pacquiao at Senador Aquilino Koko Pimentel III.

Sinabi ni Villar kay Pacquiao na ayusin muna ng senador ang partidong PDP-Laban bago siya lumagda dahil baka mayroong incoming senator na may problema.

Saad ng Senadora, nais muna niyang masiguro na ang kaniyang mga kapartido na sina Senators-elect Pia Cayetano at Imee Marcos ay makukuha ang nais nilang komite bago siya lumagda sa draft resolution na sumusuporta kay Sotto.

Binanatan naman ni Pimentel ang naturang pahayag ni Villar at sinabing huwag itong makialam sa kanilang partido.

“Wag sya maki alam sa party namin. Sa party niya sya mag concentrate,” saad ni Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?