20

Mar 4, 2021 @ 10:17
By

Sawsaw sa pulitika, Miss U Thailand tsugi bilang ambassador

Inalis na ng Thailand Department of Mental Health ang titulong mental health ambassador kay Miss Universe Thailand 2020 Amanda Obdam, matapos isapubliko ng huli ang pananaw nito sa sitwasyon sa bansa.

Inanunsiyo ito sa Facebook page ng ahensiya at sinabing epektibo agad ang pagkakatanggal.

Sabi ni Panpimol Wipulakorn, director-general ng ahensiya, sa ulat ng Bangkok Post, “The department’s mental health ambassador should not do anything which may cause conflict and division in Thai society.”

Kinoronahan si Obdam bilang Miss U Thailand noong Oktubre 10, 2020, kung kailan nagsisimulang dumami ang mga protesta laban sa gobyerno sa nasabing bansa.

Noong Oktubre 16, kung kailan marahas na binuwag ng otoridad ang mga raliyista sa Bangkok, nag-post ang 28-anyos na Thai-Canadian model sa kanyang social media account upang tutulan ang “lahat ng porma ng karahasan.”

Naging ambassador si Amanda ng TDMH matapos magkasundo ang ahensiya sa mga pageant organizer na kung sinumang mananalo sa timpalak ay gagawaran ng nasabing titulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?