30

Dec 2, 2021 @ 17:45
By

Sawa nambulabog sa Mandaluyong

Isang malaking sawa ang bumulaga sa gilid ng kanal sa Barangay Hulo, Mandaluyong nitong Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa ulat, may haba ng halos sampung talampakan ang natagpuang Burmese python sa isang kanal sa Coronadal Street.

Matapos mahuli, nilagay ang sawa sa isang malaking drum sa barangay hall.

Posible umanong nanggaling sa Pasig River ang nasabing sawa.

Samantala, nakiusap ang Bureau of Fire Protection sa publiko na agad ipaalam sa mga awtoridad kapag nakakita ng sawa at huwag itong sasaktan dahil may buhay din ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?