95

May 22, 2019 @ 10:57
By

Sawa na! Kris ayaw nang ipagtanggol ang ilang LP member

Napuno na si Kris Aquino sa ilang mga miyembro ng Liberal Party na kinaaniban ng kanyang kapatid na si dating Pangulo Noynoy Aquino.

Sa kanyang Instagram post, sinabi nito na hindi lahat mula sa LP-backed Otso Diretso ang kanyang binoto at apat lamang dito ang nakasama sa kanyang balota.

Dahil dito, ilang ang nang-bash sa ‘Queen of All Media’ dahil hindi nito sinuportahan nang buo ang Otso Diretso.

“We’ve done so much work defending LP, you and your family from bashers,” ayon sa netizen.

“People are dying and you voted for the admin lapdogs. Wow,” giit pa nito.

Hindi nakatiis at sumagot agad si Kris, sinabi na walang ginawang kalokohan ang kanilang pamilya habang namumuno ang kanyang kapatid.

“Nobody from our immediate family was appointed or held a position, we never even joined my brother in any of his foreign trips so as not to be accused of impropriety,” ani ni Kris.

Aniya pa, wala na siyang amor sa ilang miyembro ng Partido Liberal na mayroon umanong mga kasalanan matapos mahalal.

“Tapos na kong manahimik sa pagbayad para sa mga kasalanan at pagkukulang nung mga ibang LP nung nabigyan sila ng pagkakataon ng mga botante,” matapang na pahayag ng influencer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?