22

Dec 10, 2020 @ 21:58
By

Saudi national na galamay ng ISIS nasakote sa Cotabato

Nadakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang 47-anyos na Saudi national at isang babae sa pagsalakay sa kanilang bahay sa Cotabato City kahapon.

Sa ulat, kinilala ni CIDG Director Maj. Gen. Joel Napoleon Coronel ang Saudi national na si Adel Sulaiman Alsushibani.

Isa umano itong Saudi-based facilitator para sa Southeast Asia unit ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at may kontak sa mga ISIS leader sa rehiyon.

Naaresto rin sa raid sa Barangay Datu Balabaran, Mother Tamontaka ang kasamahan ni Alsushibani na si Norhaya Lumanggal.

Ani Coronel, nag-ugat ang operasyon sa mga report tungkol sa presensiya ng mga armas at improvised explosive sa lugar.

Hinahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9516 o Unlawful Possession of Explosive laban sa dalawang suspek na nakumpiskahan ng improvised explosive device at components, laptop, cellphone at iba’t ibang dokumento kabilang ang mga bank account at transaction report. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?