41
cycling

Saudi Arabia, nagpatakbo ng unang women’s cycle race

Sharing is caring!

Ilang kababaihang riders ang lumahok sa kauna-unahang women’s cycling race sa Saudi Arabia.

Ginanap sa Jeddah noong Martes, nasa 47 na mga babae ang sumabak sa 10-kilometrong karerahan.

Ayon sa race organiser na si Nadima Abu al-Enein, nasorpresa siya sa bilang ng mga lumahok.

“The large participant turnout prompted the organizing committee to increase the allowed number of participants from 30 to 47 girls,” aniya.

Matatandaang taong 2013 nang maglabas ng kautusan ang Saudi Arabia na maaari lamang magbisikleta ang mga kababaihan sa recreational areas sa kondisyong nakasuot ito nang maayos at may kasamang lalaking guardian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?